8.2.05

pulang liham... pagpapaalam?

[sulat toh.. pra sa isang tao... word for word yan. :(]

oy. kamusta na.. kilala mo pa ko?? hehehe.
nga pala, bilang panimula, sorry tlga sa lahat... alam kong napakasama ko, lalo na sayo...
kaya nga di na kita makausap ngayon eh.. wala na akong mukhang ihaharap sayo....

dibale, hindi mo na ako kailangang makita. marami man akong gustong sabihin, dito ko na lang
ilalagay lahat. sorry talaga.

ayokong isipin kung pano ka mag-rereact dito....

kasi minahal kita....

sana naman matanggap mo na yan diba.... siguro nga, katawa-tawa, kasi hindi mo nadama...
kasi hindi naman akongparamdam diba... sorry talaga.

pero mei magagawa pa ba ako???????????? alam ko namang hindi ako ung taong para sayo.. di ko nga naman sinadya na mapamahal sayo.. tulad nlng na di mo sinadyang ganyan ka kaganda at kabait.... tama ba? o.. di ako nambobola ha. seryoso to. ganyan ka talaga, wala ka nang
magagawa.

hay.. pero okey lng, kasi alam ko namang mas masaya ka sa piling ng iba... kaysa namang mapunta ka saken, pero di k nman matutuwa... ay teka. babawiin ko lang yung sinabi ko kanina
ha: kung saan ka masaya, yun ang hindi ko makakaya.... mniwala ka sana!

alam mo ba, matagal na panahon na rin ng tinamaan ako nyang katotohanan na yan... di rin
kadali ung pagtanggap ko dun... kaya eto... sinubukan ko nang kalimutan ka, para wala nang
panggulo sa buhay mo... mind you, effective yata sya.... nakalimutan ko nga na bertdey mo
nung isang araw eh! (sorry talaga...) pero habang sinusulat ko ito..... grabe, hinabol yata
ako bigla ng mga alaala mo.... hindi ko maiiwasan, pero sa huli ako ang luhaan...

ang sakit talaga ng katotohanan.

edi yon, hanggang sa dumating sa punto na naisip kong dapat na akong lumayo sayo.. ginulo ko lang ang buhay mo. eh hindi ko nga alam kung sino ba ako sayo, o kung nagkalugar man lang ako sa isip mo diba? pero, gusto kong malaman mo na, naging napakahalaga mo sa akin... hindi mo man nadama, o napansin man lang...

kaya nga ako sumusulat sayo ngayon eh... kasi naging ganun ka na kalapit sa puso ko.

sana mapatawad mo ako na hindi ko ito nasabi sayo, dahil kagaya ng sabi ko kanina, wala na
nga akong mukhang ihaharap sayo....

sorry talaga, namimiss lang po kita....

hindi ko alam kung ito na lang ang sasabihin ko sayo, kasi baka huling pagkakataon ko nang
sabihin sayo ang lahat ng ito, kahit sa sulat... basta. kung sakaling wala ka nang
matakbuhan, andito pa rin ako... maghihintay sayo... maniwala ka sana...

siguro hanggang dito na lang.
ngiti ka lagi ha, mas maganda ka pag ganun...
ingatz po..
God bless.... at good luck sa buhay mo. (",)

mula sa isang taong nagmahal sayo....

[pangalan ko! yaki kc pg linagay ko tlga eh. di ko nman linagay kung kanino tlga ito addressed.....]

2 Comments:

Blogger Unknown said...

Ayuuuuun. :D

Ok lang yan Gab. :D

8:59 PM  
Blogger Unknown said...

Haha. Di bale Ate Aleth.
Makakahanap din tayo ng lalaking parang Gab.

Yung susulatan tayo ng letter.

NYEH.
Hahaha. ^_^

9:07 PM  

Post a Comment

<< Home