9.3.05

ang dakilang martir.

narito ako, nakaupo at nananahimik...
nagmumuni-muni at napag-iisip......
mga dalawang upuan sa aki'y layo..
naroon ka, masiglang tumatawa...
buti ka pa, masaya!
mamaya-maya ako'y may maririnig...
isa o dalawang kataga mula sa 'yong mga labi...
mga salita, sa puso ko'y pumunit....
kahit matagal ko na namang alam...
na ang puso mo'y nabihag na ng iba...
nagbingi-bingihan, na parang walang nasaksihan...
ako muli'y nanahimik, sa silya'y sumandal..
para ka na ngang malaking tinik sa puso ko...
kulang na lang ay hilain at itapon...
ngunit, alam ko namang pag iyon ay ginawa ko...
tiyak magsusugat lang lalo ang nagdurugo nang puso...
siguro nga'y mas mabuti nang manatili lang diyan..
pero, lalabas na naman, isang tanong:
kung magpaparamdam ka.. kailan ba, at papaano?
kung hinihintay ko na lang ang tamang panahon...
hindi ba ang oras na 'yon ay... bukas, o ngayon?
sana ako'y mapatawad mo kung nagiinarte ng ganito.
sa akin ay hindi ka na dapat humingi ng paumanhin...
pagkat ang dahilan nito ay mga katangahan ko rin...
ang katotohanan nga nama'y kay hirap sabihin.
kaya't sa sarili ko'y ito lamang ang naibulong....
"kung para naman, sa taong minamahal...
ayos lang ang ako'y masaktan."

0 Comments:

Post a Comment

<< Home