sa bintana ng mcdo...
hindi isa sa mga pinakamagandang lugar kapag ika'y nag-iisa...
ngunit naroon ako...
sa isang sulok ng malaking kainan..
sa tabi ng bintana, at kaharap ang basurahan...
----
katatapos lang ng perio. alas-dos na ng hapon.
nakakapaso ang araw noon. nasa may guardhouse nq quesci.
pero may kasama ako...
isang magandang dilag... isa sa mga taong lagi kong kasama,...
at laging nagpapangiti sa akin...
"gab, punta tayo ng mcdo...." sabi niya.
sa init nga naman ng araw, pumayag ako...
ngunit hindi lang iyon ang dahilan.
kung alam niyo lang, mahal ko ang taong iyon....
nang makarataing doon, kami'y naupo sa malapit sa bintana, sa likod ng basurahan...
kaharap ko siya.
"teka, baka gusto mong kumain?" naitanong ko sa kanya.
"ah, hindi,.. ayoko pa kasi umuwi..."
"waw. nagbago ka na nga... diba lagi mong gustong umuuwi ng maaga?"
"eh... basta..."
natahimik na lang ako at napatingin sa labas...
"gab..."
napaharap ako sa kanya...
at nagsalubong ang tingin naming dalawa. kung gaano katagal, hindi ko alam...
"...bakit namumula ka??" nako. napansin niya.
at hindi lang yon. sa totoo lang, nanginginig ako sa kaba...
hindi ako nakasagot.. kaya ako'y ngumiti na lang uling tumingin sa bintana...
"halika, uwi na tayo..." sabi niya.
tumayo na kami...
lumipas ang ilang sandali...
at kinuha ko ang kamay niya.
"mahal kita..."
yun lamang ang narinig kong lumabas sa aking mga labi...
ngumiti siya. at tila, hinigpitan ang hawak sa kamay ko...
"labas na tayo..."
nagkatitigan ulit kami. namumula siya....
ngunit, natahimik na kami pareho at sabay na naglakad palabas....
***
mahigit isang taon na ang nakalipas. nakaupo ako sa lugar kung saan naganap ang lahat ng ito.
pero, wala siya sa aking harapan...
----
habang isinasalaysay sa papel ang lahat ng ito...
may kumatok sa bintana.
napalingon ako, at nandun ay isang babae kasama ang kanyang mga kaibigan...
siya'y humarap sa akin at kumaway.
sa kabila ng lahat ng naalala ko...
hindi ko pa rin napigilang ngumiti noong siya'y nasa paningin ko...
haaay. isang araw na nagdaan.
3 Comments:
Ayaw umadventure ng lablayp mo ha.
Hehe. =)
pang-telenovela.
panalo.
haha. :)
napaka... hmmm.. ano bang word.. senti? hehe.. ewan. basta ganun ung thought..:)
ang lupet..
ang swerte naman nya!
Post a Comment
<< Home