7.3.05

nerbyoso..

mahal kita.
akala ko nung una, napakadaling sabihin....
pero, ipakita nga lang yun, hirap ka na.
hanggang ligaw-tingin nga lang ba ako??
eh tuwing andyan ka nga, iiwasan ko naman mga mata mo...
ni makabati ng maayos, di magawa...
ngunit pag wala ka na, hahanap-hanapin naman...
ang labo ano??
sinabi ko sayo, hindi pa panahon para magpadama...
ano na nga ba hinihintay ko?
bakit ba hanggang ngayon nananahimik pa rin ako???
tinatago ko ba ang katotohanan??
bakit pa?
eh kung darating rin ang panahon na malalaman ng lahat iyon...
at saka, ano pa ba ang tinatago ko?
alam mo na diba.... pero, baka nga mahirap akong paniwalaan...
siguro nga, hindi dapat daanin ang lahat sa simpleng ngiti lamang...
haaay. magulo, alam ko.. sorry talaga...
... dahil isang malungkot na bata ang napamahal sayo....

1 Comments:

Blogger Unknown said...

HEhehe.

pabasa mo kasi sa kanya lahat to eeeee.. :)

o di ba.

9:11 PM  

Post a Comment

<< Home