23.2.05

the sun shone brightly on this day. ü

waw. mlapit na mgprom.
eto ung nakalagay sa invitation...
Please share in the joy as we, the Juniors and Seniors of Quezon City Science High School, celebrate our
memorable night of fun, romance and magic... to be held at Gazebo Royale 29 Visayas Avenue Extension
Quezon City on Friday, 25th of February 2005 at 5:40 in the afternoon.
tapos may singit pa sa baba: (please come on time)
waw. my reputation as a latecomer has long been established...
na parang nabanggit na ko sa invitation mismo. *joke lang*
and as you would expect, talk of the town sya, diba??
most overused lines this week:
"sino date mo?"
"may date ka na?"
"bakit siya?"
"ano isusuot mo?"
"isayaw mo ako ha!"
"sino last dance mo?"
"pag di ka pumunta ng prom, di k n mkakarating sa monday ng buhay!!!"
anywayz...
so tatlong araw n kmi ngppractice....
and it went smoothly, i suppose.
pero mas masaya ung mga nangyayari in-between rehearsals...
kahit na tingin ng karamihan walang nangyayari..
buong araw kaming nag-cchess...
tpos sa room nmen mei cd na kanta ng kanta.. parang sirang plaka, kasi wala nang pinatugtog kundi yun na
lang....
pero wala pa ring makapigil sa kakulitan ng mga tao!
ang ewan, oo... pero personally masaya ako.
sa isang sulok ng quadrangle... kasama ko siya...
ang babaw noh? pero masaya.
tapos kinukulit nya ako tungkol s lablayp ko...
kung mapadama ko lang sa kanya na...
'pag makita ko siyang nakangiti'y isang napakalaking lobo ng puso ko...
pero di ko man magawa yun....
di maiwasang ako'y mapangiti, kung saan man umabot ay di ko na iisipin...
ngayon, kinulit ko rin sya ng onti...
tungkol sa nakaraan(??) nya.. tapos ung lalaking yun pala'y malapit sa kung nasan kami...
pero nakatalikod ung lalaki... tapos kaharap ko yung magandang dilag *nyahahaha*...
"ayan. lumalapit na sayo o.. para may masandalan ka." banat ko sa kanya...
di siya sumagot. tpos tinalikuran nya ako...
akala ko nagalit o nainis, so haharapin ko sana sya...
nang naramdaman kong sumandal siya sakin...
tapos may sinabi siya. di ko na maalala...
nawindang lang ako.
speechless, for a moment...
di ko naman inasahang gagawin nya yun diba?
siguro sa kanya wala lang yun. sanay na yata eh.
sa akin... di ko rin alam. mababaw na hindi....
kasi alam naman nyang may pagtingin ako sa kanya eh.
at alam ko rin na iba yung gusto niya...

hanggang ngayon yata nangingig pa rin ako...
haaaay. magulo na naman ba? hindi naman siguro....
masaya lang ako.
bukas, regular classes na ulit.
pero, dun sa tatlong araw na nagdaan, nagbago yata ang mundo ko...
kahit na para sa karamihan wala pa naman talagang nangyayari.
basta - excited na ako sa prom. haaay.......

1 Comments:

Blogger Unknown said...

Hokeiiiiii.

Buti ka pa may lablayp sa kisay.
Haha. :D

9:56 PM  

Post a Comment

<< Home