19.3.05

isang saglit na naman.

"pass your papers!"
sa wakas.
ang mga katagang ito ni ma'am erpelo ang nagsilbing hudyat ng pagtatapos ng aming ikahuling markahang pagsusulit.
sa may armchair sa labas, ako'y huminga ng malalim.
tapos na rin!
bagamat hindi ito ang katapusan ng lahat (at sa katunayan ay simula pa lamang) kaming lahat ay, sa aming sariling pamamaraan, ay nagagalak sa pangyayaring ito.
kinuha ko ang cellphone sa kalaliman ng aking bag.
12:30 ang nakalagay sa orasan.
ha! maaga pa.
ang paalam ko'y hanggang alas-kwatro ako sa paaralan. at dahil sa kalokohang sinadya ko sa aking orasan, noon ako'y may mga apat at kalahating oras pa para ako'y magsaya.
ngunit bago magsimula yaon ay lahat kami'y pinapasok sa silid.
tila ang liwanag ng lugar na iyon kanina. dahil paguusapan ang isang project, ako'y naupo sa armrest ng isang upuan sa may harapan.
habang inaayos ang agenda ng klase, may isang babae na dumaan sa harapan ko at umupo sa armchair kung saan ako'y nakapwesto sa armrest.
oo, nagulat ako, pero alam kong sa kanya wala lang yun.
mga dalawang linggo na ring ganun ang pakikitungo sa kanya, kaya siguro nasanay na kaming hindi nagpapansinan...
[masakit man sa kalooban ko, siguro nga ganun lang talaga.]
siguro mga dalawang minuto na rin kaming nakaupo doon at nakikinig nang..
"uy gab! andyan ka pala!" tingin niya sa akin.
"... hehe.. oo nga eh...." ang tanging nasagot ko.
oo nga eh. mas nauna pa akong umupo sayo dito diba? kung di mo man napansin, dibale na, naiintindihan kita.
"hay nako gab. di ka na namamansin. hmmp."
nga pala, sorry ha. pero kunwari makikiride ako:
"ha, ako ba?? uhmm.. sorry ha..."
"lagi mo na lang akong inaaway..."
"ano?? eh ano bang ginawa ko sayo?"
"wala... basta, di mo na ako kinakausap."
".. ah, eh... nahihiya nga kasi ako sayo!"
"eh bakit ka naman mahihiya sa akin?"
hindi na ako sumagot. kaysa namang sabihin kong...
"diba, kung mahal mo yung tao mahihiya ka sa kanya, kasi gusto mo yung gagawin mo laging tama, lalo na sa harap niya???"
buti na lang napigilan ko sarili ko.
"uy, alam mo ba, kahapon ko lang naubos yung toblerone mo."
"weh? hindi nga?!"
"oo. tinipid ko eh. tsaka hindi ako namigay."
"ganun ba?"
waw. napangiti na naman nya ako.
kahit na sa loob ko hindi ko alam kung tumitibok pa puso ko. waaaaaaa.......
mamaya-maya, tumayo na siya.
natapos na rin ang diskusyon.
umalis na ako. naglakad sa corridor, at tumungo sa kapitbahay na curie na mas malayo ng kaunting hakbang kaysa sa becquerel.
at doon ay nakasalubong ko ang isang kaibigan.
"uy gab! may nalaman ako..."
"ha? ano nanaman?"
"wala, joke lang yun."
di ako naniwala sa kanya....
kaya maya't maya ay tinanong ko siya. sa huli ay napilit ko rin..
"ikaw ha, kaya pala tinatanong mo sa akin kung may sama ng loob ka ba kay......"
"....ha? hindi... pinatanong lang niya yun!!"
"weh? talaga lang. hehe. yiiii....."
"bahala ka nga."
bakit ganun. lahat na lang ng sikreto ko hindi na sikreto. tsk tsk tsk.
sabagay, ano nga ba naman ang kailangan kong itago???
mga dalawang oras makalipas, nagppractice kami para sa variety show sa pinoy.
"ano ba yan gab... wala namang kabuhay-buhay!"
"hay nako. maiinlab siya sayo nyan pag ganyan ka!" sabay tawa.
nang mabanggit nya yun, nagisip kaagad ako ng sagot, at ito ang lumabas sa bibig ko:
"nako. hindi ako umaasa."
siguro yun lang ang tama kong nagawa kanina.
totoo yan. hindi ako umaasa. kung masaktan man, ayos lang.
hay nako. ang drama mo talaga gab.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home