24.3.05

...or not to speak??

"hmm.. tahimik lang ako."
yan ung sinabi ko nung may bumanat s knya..
"grabe, obsessed na ako sayo!"
(di ko alam kung 'sincere' siya dun... hehe!)
oo nga. kay tagal ko na ring hindi nagsasalita...
pero sa ngayon, siguro nga, di muna magbabago yun......
tpos mamaya maya, habang nggugupit aq ng scotch tape...
"...ayoko munang magmahal sa ngayon."
nagulat ako nung nasabi ko yan.
narinig nya kaya?
pero, hindi lang ako ang nagulat sa mga narinig ko.
kasi, nagsinungaling ako...
kaya't nanahimik nalang ako habang tinitiis ang sakit ng sariling gawa.
"gab, pakalikot ng cellphone!"
ayoko. "ayoko.. psensya.."
"ehhh bakit?? ikakamatay ko ba yung mga nakalagay dyan?"
"hindi. ikakamatay ko."
ewan ko kung seryoso ako....
pero ayoko talaga.
natuto na ko s gnun..
kasi yung huling nakabasa ng cellphone ko ay ung tatay ko.
andami rin nyang nalaman.
hindi sa hindi nya nagustuhan yung mga yun... pero nagulat siya.
hay. kalimutan na nga yun!
pero hindi ko pinabasa. bahala na...
naggugupit pa rin ako ng scotch tape...
nang nkita ko siyang lumapit sa kaibigan nya.....
tpos, parang humihikbi siya...
nalaman ko na lang na tama yung hinala ko.
basta. yung babaeng nakangiti kani-kanina lamang ngayon ay nagdaramdam.....
tapos ako, andun lang. nakatingin sa kanya.
nanghihina. nalungkot.
nakatitig lang. naisin mang lumapit, walang magawa.
tumayo ako. "noel, ikaw muna maggupit ng scotch tape..... pwede?"
pumayag siya. lumabas ako sa lugar na yon at sumandal sa may pintuan.
haay. ayoko siyang tignan.
di ko makaya yung sakit.
MAHAL KITA.
pero wala akong magawa.

1 Comments:

Blogger Unknown said...

waw naman. :)

8:58 AM  

Post a Comment

<< Home